Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hunyo: Ialok ang brosyur na Hinihiling taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur ay maaaring ialok. Gayunman, yamang marami tayong suplay ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pinasisigla namin ang mga kongregasyon na pumidido ng mga ito upang magamit sa kampanya sa dalawang buwang ito. Setyembre: Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa nito sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-AB-14).
◼ Yaong mga kaugnay sa isang kongregasyon ay hinihilingang magpadala ng lahat ng bago at ipinabagong mga suskrisyon para sa Ang Bantayan at Gumising!, lakip na ang kanilang personal na mga suskrisyon, sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Hinihiling ng Samahan na ang lahat ng mga kahilingan ng mamamahayag para sa literatura ay gawin sa pamamagitan ng kongregasyon. Dapat na isaayos ng punong tagapangasiwa na gawin ang isang patalastas bawat buwan bago ipadala sa Samahan ang buwanang kahilingan ng kongregasyon para sa literatura upang ang lahat ng interesado na kumuha ng mga babasahin nang personal ay makapagsabi sa kapatid na nangangasiwa sa literatura. Pakisuyong ingatan sa isipan kung aling mga publikasyon ang special-request items.
◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:
Kapag Namatay ang Iyong Minamahal—Ingles