Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Mga magasing Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 36 ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36 ay magpapatuloy. Ang mga kongregasyong nakatapos sa kanilang teritoryo anupat napaabutan ang mga maybahay sa bawat tahanan ng isang kopya ng Kingdom News Blg. 36 ay maaaring mag-alok ng aklat na Kaalaman o ng brosyur na Hinihiling. Disyembre: Ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay iaalok kasama ng New World Translation of the Holy Scriptures.
◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang Tunay na Armagedon—Bakit? Kailan?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang matatanda ay pinaaalalahanan na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa pahina 21-3 ng Abril 15, 1991, Bantayan, hinggil sa sinumang tiwalag o mga taong naghiwalay ng sarili na maaaring gusto nang manumbalik.