Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/01 p. 3
  • Pagpapatibay-Loob sa mga Payunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatibay-Loob sa mga Payunir
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 1/01 p. 3

Pagpapatibay-Loob sa mga Payunir

1 Tayong lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob, at napahahalagahan ito lalo na ng mga payunir kapag ang matatanda ay nagpapakita ng interes sa kanila. Ang isang payunir na babae ay sumulat: “Nais kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang aking pagpapahalaga sa ‘matatandang lalaki’ sa aking kongregasyon. . . . Waring sa panahong kailangang-kailangan ko ang kanilang alalay at pampatibay-loob, binibigyan sila ni Jehova ng mga salita ng karunungan na kailangan kong marinig.”

2 Sa Enero, dalawang miyembro ng Komite sa Paglilingkod ang makikipag-usap sa mga payunir, at isang balangkas ang inilaan para sa pulong na ito. Makabubuting makita sa pulong na ito kung ano ang maaaring gawin upang mapasulong ang oras ng mga payunir, yamang ang aberids sa bansa ay 54.1 lamang sa nakaraang taon ng paglilingkod. Pagsapit ng Disyembre 31, dapat na nakapag-ulat na ang mga regular pioneer nang hindi kukulangin sa 280 oras. Yaong mga hindi pa nakaaabot nito ay dapat na patibayin na isaayos ang kanilang mga iskedyul sa susunod na walong buwan upang maabot nila ang kanilang taunang tunguhin na 840 oras. Yaong mga nakaaabot sa mga kahilingan sa oras ay dapat na papurihan.

3 Kapag mababa ang kanilang oras, ang mga payunir ay madaling masiraan ng loob. Kaya naman iminungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre, 1998, pahina 7, na dapat na regular na repasuhin ng Kalihim ang gawain ng mga payunir at ipabatid ito sa matatanda, lalo na sa Tagapangasiwa sa Paglilingkod, upang matulungan ang mga payunir na may anumang problema bago pa lumala nang lubusan ang mga ito anupat kakailanganin na nilang huminto sa gawaing pagpapayunir.

4 Walang pagsalang ang taunang pulong na ito ay magsisilbing pampatibay-loob at pampasigla sa kanila, ‘upang maibahagi sa kanila ang ilang espirituwal na kaloob’ nang sa gayon ay “mapatatag” sila sa kanilang paglilingkuran bilang mga payunir.​—Roma 1:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share