Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/01 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 2/01 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Sa mga lugar na di-karaniwang ginagamit ang Ingles, ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring ialok bilang kahalili. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay itatampok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Laging magdala ng brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at pagsikapang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

◼ Dapat na repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer. Sa katapusan ng Pebrero sila ay dapat na nakapag-ulat na ng humigit-kumulang sa 420 oras. Kung may nahihirapan sa pag-abot ng kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng matatanda na matulungan ito upang mabawi ang nawalang oras sa nalalabing anim na buwan ng taon. Ukol sa mga mungkahi, repasuhin ang taunang S-201 liham ng Samahan na may petsang Nobyembre 1, 2000. Tingnan din ang parapo 12-20 ng insert ng Setyembre 1986 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos na mabasa ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa Linggo, Pebrero 18, 2001, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Yamang ang kahilingan ay 50 oras lamang, walang pagsalang marami ang makakabahagi sa mga buwang ito ng tag-araw. Ang pulong na ito ay gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod at dapat na tiyaking may hawak na sapat na Applications for Auxiliary Pioneer.

◼ Kung hindi pa naisasagawa ito, nais naming ipaalaala sa mga kongregasyon na tiyaking maipadala kaagad ang kanilang kahilingan para sa mga karagdagang magasing gagamitin sa Abril at Mayo, na isinasaalang-alang ang bilang ng mga mag-o-auxiliary pioneer sa mga buwang iyon.

◼ Pagtutuwid: Sa Mga Patalastas ng Enero ng Ating Ministeryo sa Kaharian, binanggit na ang pantanging pahayag pangmadla na nakaiskedyul sa Abril 1 ay maaaring idaos sa susunod na linggo kung ang kongregasyon ay may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may asamblea sa dulong sanlinggong iyon. Yamang ang Memoryal ay idaraos sa susunod na linggo, ang pantanging pahayag ay dapat na idaos pagkaraan ng dalawang linggo, sa Abril 15, 2001 sa kasong ito. Pakisuyong bigyang pansin ito kapag nag-iiskedyul ng mga pahayag.

◼ Yamang ang Memoryal ay sa Linggo sa taóng ito, walang iba pang pulong ang dapat na iiskedyul sa araw na iyon. Dapat na isaayos ng matatanda sa lokal na paraan na maidaos ang mga pulong ng Linggo sa ibang araw ng sanlinggong iyon.

◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan​—Tagalog

Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I​—Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Tagalog

Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!​—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Ingles, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Tsino

◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:

Warning Examples for Our Day​—Ingles (Solong cassette; ito ang drama na ating pinanood noong nakaraan nating mga pandistritong kombensiyon.)

◼ Makukuhang Bagong Videocassette:

Our Whole Association of Brothers—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share