Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ang aklat na Kaalaman ay ihaharap taglay ang pagsisikap na magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga sipi ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Magdala ng aklat na Kaalaman o brosyur na Hinihiling para sa mga taong interesado, at sikaping makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling taglay ang pagsisikap na magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang Pamamahala ng Tao—Tinimbang” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais maglingkod bilang mga auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na gumawa na ngayon ng kanilang mga plano at ibigay nang maaga ang kanilang mga aplikasyon. Makatutulong ito sa matatanda upang gumawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na mga magasin at iba pang literatura na kanilang gagamitin. Ang mga pangalan niyaong lahat ng naaprobahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat na ipatalastas sa kongregasyon.
◼ Ang Memoryal ay idaraos sa Linggo, Abril 8, 2001. Walang pagpupulong liban doon sa paglilingkod sa larangan ang idaraos sa araw na iyon. Ang matatanda ay maaaring gumawa ng angkop na mga kaayusan upang maidaos sa ibang pagkakataon ang Pag-aaral ng Bantayan.
◼ Pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal: Pinasisigla ang lahat na basahin ang iminungkahing bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2001 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw, na magpapasimula sa Abril 3 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Abril 8.
◼ Dapat ipadala niyaong mga kaugnay sa isang kongregasyon ang lahat ng bago at pinabagong-muli na mga suskrisyon sa Ang Bantayan at Gumising!, lakip na ang kanilang personal na mga suskrisyon, sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Hindi tinutugon ng Samahan ang pidido sa literatura ng indibiduwal na mamamahayag. Dapat na magsaayos ang punong tagapangasiwa ng isang patalastas na gagawin bawat buwan bago ipadala sa Samahan ang buwanang pidido ng kongregasyon sa literatura upang ang lahat niyaong interesadong magkaroon ng anumang personal na literatura ay makapagsabi sa kapatid na humahawak ng literatura. Pakisuyong tandaan kung aling publikasyon ang kabilang sa mga special-request item.