Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/01 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 5/01 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Mayo: Ang mga magasing Bantayan at Gumising! Kung may masumpungang interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang suskrisyon. Ialok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling, taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? o Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Alinman sa sumusunod na 32-pahinang brosyur ay maaaring gamitin: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!, “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay,” Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?, Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso, Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?, Ano ang Layunin ng Buhay​—Paano Mo Masusumpungan?, at Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang mga brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, Our Problems​—Who Will Help Us Solve Them?, Espiritu ng mga Patay​—Maaari ba Nila Kayong Tulungan o Pinsalain? Talaga bang Umiiral Sila?, at Will There Ever Be a World Without War? ay maaaring ialok kung angkop. Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapagpidido ng mga ito para sa mga kampanya ng literaturang nakatala sa itaas ay dapat na gawin iyon sa susunod nilang Literature Request Form (S-AB-14).

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka pagkatapos noon. Kapag natapos ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkaraang basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa taong ito ay magpapadala kami sa inyo ng mga porma na kailangan ninyo para magamit sa kongregasyon. Kung may anumang iba pang porma na kakailanganin ninyo, maaari ninyong pididuhin ito sa karaniwang paraan sa pamamagitan ng paggamit ng S-14 Request form. Ang mga pormang ito ay ipadadala sa inyo nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay magnanais na magbigay ng isang makatuwirang donasyon para sa pambuong daigdig na gawain, upang makatulong para sa gastusin sa paglilimbag at pagpapadala ng mga pormang ito.

◼ Mahalaga: Tiyaking ilakip ninyo sa inyong Literature Request Form (S-AB-14) ang inyong pidido para sa mga lapel badge card para sa Pandistritong Kombensiyon sa 2001 upang maipadala namin sa inyo ang mga ito kapag naimprenta na.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share