May mga Yearbook Bang Nawawala sa Inyong Aklatan?
Bawat Yearbook of Jehovah’s Witnesses ay isang mahalagang koleksiyon ukol sa kawili-wiling pagbabasa. Ang nakapagpapatibay na mga ulat ng gawaing pangangaral ng Kaharian mula sa palibot ng daigdig ay nagpapatibay ng ating pagtitiwala sa patnubay, proteksiyon, at pagpapala ni Jehova sa kaniyang bayan. Ang tanggapang pansangay ay may limitadong suplay ng Yearbook para sa mga taon ng 1994 at 1995, at mas marami ang aming suplay ng Yearbook para sa 1996 at 1997. Ang mga Yearbook na ito ay naglalaman ng mga kawili-wiling teokratikong kasaysayan ng gawaing pang-Kaharian sa malalayong lugar gaya ng Benin, Brazil, Cyprus, Greece, Guadeloupe, Haiti, Hungary, Mexico, Micronesia, Mozambique, Poland, at Venezuela. Bakit hindi tingnan kung ang mga edisyong ito ng Yearbook ay nawawala sa inyong personal na aklatan? Dapat ding suriin ng tagapangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ang aklatan sa Kingdom Hall. Ang sinumang mamamahayag o alinmang kongregasyong nagnanais ng mga Yearbook na ito ay maaaring humiling ng mga ito ngayon sa pamamagitan ng lingkod sa literatura ng kongregasyon.