Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/01 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 12/01 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o, kung mayroon, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero at Pebrero: Maaaring ialok ang mas matatandang 192-pahinang aklat, tulad ng Kaligayahan​—Papaano Masusumpungan, Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan​—Paano Mo Masusumpungan? Kung walang mas matatandang aklat, maaaring gamitin ang alinman sa aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o Creation bilang kahaliling alok. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

◼ Kung kayo ay magbabakasyon o dadalo sa isang pandistritong kombensiyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking maibigay ninyo ang iyong ulat sa kalihim ng kongregasyon bago kayo umalis. Kung ang lahat ay magiging palaisip na mag-ulat nang nasa panahon sa katapusan ng buwan, magkakaroon tayo ng kumpletong ulat sa Disyembre.

◼ Ang insert sa Ating Ministeryo sa Kaharian na ito ay tumatalakay sa bagong tract na dinisenyo para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Dahil sa maaaring hindi pa ninyo natatanggap ang inyong pidido ng bagong tract na ito sa panahon ng pagtalakay nito sa Pulong sa Paglilingkod, kami ay nagpadala ng limang sampol na kopya sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng Oktubre. Ang mga ito ay para gamitin sa pagtatanghal ng tract sa Pulong sa Paglilingkod.

◼ Mga Kontribusyon sa Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang arkila, paghahanda ng plataporma at mga public address system, pati na ang paglalaan ng anumang mga bagong publikasyon na maaaring ilabas, ay sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa pambuong daigdig na gawain. Nakatitiyak kami na tatandaan ninyo ito kapag dumadalo. Maaaring magbigay ng mga kontribusyon sa pamamagitan ng paghuhulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.

◼ 2002 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2002 ay hinalaw sa Mateo 11:28: “Pumarito kayo sa akin . . . at pagiginhawahin ko kayo.” Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 2002.

◼ Makukuhang mga Bagong Tract:

T-71, Does Fate Rule Our Lives?​—Or Does God Hold Us Responsible?​—Ingles

T-74, Hellfire​—Is It Part of Divine Justice?​— Ingles

(Pansinin: Ang mga tract na ito ay dinisenyo para sa mga Muslim. Mayroon lamang limitadong suplay nito.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share