Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/02 p. 5
  • Sapatan ang Iyong Espirituwal na Pangangailangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sapatan ang Iyong Espirituwal na Pangangailangan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Makinig at Matuto
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • 1999-2000 “Makahulang Salita ng Diyos” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • 1987 “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 11/02 p. 5

Sapatan ang Iyong Espirituwal na Pangangailangan

1 Ang ating nalalapit na “Masisigasig na Tagapaghayag ng Kaharian” na Pandistritong Kombensiyon ay magbibigay sa atin ng kahanga-hangang pagkakataon upang sapatan ang ating espirituwal na pangangailangan. Tulad ng masustansiyang pisikal na pagkain, ang programa ay tiyak na magpapalusog sa atin sa espirituwal na paraan sa pamamagitan “ng mga salita ng pananampalataya.” (1 Tim. 4:6) Ito ang tutulong sa atin na maging malapít kay Jehova. At makaaasa tayong tumanggap ng payo at pampatibay-loob na tutulong sa atin na maharap ang mga pagsubok sa ating buhay. Tinitiyak sa atin ni Jehova: “Pagkakalooban kita ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran. Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.” (Awit 32:8) Tunay na pinagpala tayo dahil sa taglay natin ang kaniyang maibiging patnubay sa ating buhay! Isaalang-alang ang ilang praktikal na mga hakbang na magagawa natin upang higit tayong makinabang mula sa programa ng kombensiyon.

2 Kailangan Nating Ihanda ang Ating Puso: May pananagutan ang bawat isa sa atin na ingatan ang kaniyang sariling makasagisag na puso. (Kaw. 4:23) Humihiling ito na magkaroon tayo ng disiplina sa sarili at maging matapat tayo sa ating sarili. Ang kombensiyon ay isang panahon para bulay-bulayin ang ating kaugnayan kay Jehova, isang panahon para ‘masdan ang sakdal na kautusan na nauukol sa kalayaan.’ Upang maihanda ang ating puso na ‘tanggapin ang pagkikintal ng salita,’ dapat tayong magsumamo kay Jehova na suriin tayo, upang maipakita niya sa atin ang anumang “nakasasakit na lakad” na kinakailangang ituwid, at na akayin tayo sa “daan ng panahong walang takda.”​—Sant. 1:​21, 25; Awit 139:​23, 24.

3 Makinig at Magbulay-bulay: Pinapurihan ni Jesus si Maria dahil sa pagtutuon ng matamang pansin sa kaniyang mga salita, na sinasabi: “Pinili ni Maria ang mabuting bahagi, at hindi ito kukunin sa kaniya.” (Luc. 10:​39, 42) Kung taglay natin ang gayunding disposisyon ng kaisipan, hindi natin hahayaang gambalain tayo ng di-mahahalagang bagay. Titiyakin natin na tayo ay nakaupo at matamang nakikinig sa buong programa. Iiwasan natin ang di-kinakailangang pag-uusap o paglalakad at magiging maingat tayo upang huwag nating magambala ang iba dahil sa mga cellular phone, pager, kamera, at camcorder.

4 Kapag nakikinig tayo sa mga pahayag, makabubuting kumuha ng maiikling nota upang matulungan tayong suriin ang paksa habang ito’y tinatalakay. Dapat nating iugnay ang ating naririnig sa mga bagay na dati na nating alam. Ito ang tutulong sa atin na maunawaan at matandaan ang materyal. Kapag nirerepaso ang ating mga nota, kailangan nating gawin ito sa layuning ikapit ang materyal. Makabubuting itanong ng bawat isa sa atin: ‘Paano ito nakaaapekto sa aking kaugnayan kay Jehova? Anong mga pagbabago ang kailangan kong gawin sa aking buhay? Paano ko maikakapit ang impormasyong ito sa aking pakikitungo sa iba? Paano ko ito magagamit sa aking ministeryo?’ Ipakipag-usap sa iba ang mga puntong gustung-gusto natin. Ang paggawa sa mga bagay na ito ay tutulong sa atin na maingatan ang mga salita ni Jehova ‘sa kaibuturan ng ating puso.’​—Kaw. 4:​20, 21.

5 Ikapit Natin ang Ating Natututuhan: Pagkatapos dumalo sa isang pandistritong kombensiyon, isang delegado ang nagsabi: “Ang programa ay inihanda para sa personal na pagkakapit, anupat inuudyukan ang isa na suriin ang kalagayan ng kaniyang puso at ng kaniyang pamilya, at maglaan ng maibiging maka-Kasulatang tulong kung kinakailangan. Dahil dito ay naging lalo akong palaisip sa aking pananagutan na lalo pang tumulong sa kongregasyon.” Malamang na ganiyan din ang nadarama ng marami sa atin. Ngunit hindi sapat na basta lisanin na lamang natin ang kombensiyon na nakadaramang tayo ay napatibay at napasigla. Sinabi ni Jesus: “Kung alam ninyo ang mga bagay na ito, maligaya kayo kung gagawin ninyo ang mga iyon.” (Juan 13:17) Kailangang masikap nating isagawa ang mga punto na personal na kumakapit sa atin. (Fil. 4:9) Ito ang susi upang lubusan nating masapatan ang ating espirituwal na pangangailangan.

[Kahon sa pahina 5]

Bulay-bulayin ang Iyong Napakinggan:

■ Paano ito nakaaapekto sa aking kaugnayan kay Jehova?

■ Paano ito nakaiimpluwensiya sa aking pakikitungo sa iba?

■ Paano ko ito maikakapit sa aking buhay at sa aking ministeryo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share