Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, subalit higit naming pinasisigla ang pamamahagi ng sumusunod na apat na brosyur kung makukuha ito sa inyong wika: Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao; Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!; Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo; Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Sa Sabado, Agosto 31, 2002, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay isasara sa umagang iyon at walang mga tour na isasagawa sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.
◼ Pasimula sa linggo ng Setyembre 16, 2002, pag-aaralan natin ang Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Ang materyal na pag-aaralan ay iseserye sa mga isyu ng Ang Bantayan sa wikang Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte.
◼ Makukuhang Bagong Videocassette:
Transfusion Alternative Health Care—Meeting Patient Needs and Rights—Ingles (Pansinin: Isinasaalang-alang ng video na ito kung paano pangangalagaan ang medikal na mga pangangailangan ng mga pasyente habang kinikilala rin ang kanilang mga legal na karapatan. Ipinakikita rin nito kung paanong ang mga pamamaraan sa pag-oopera nang walang pagsasalin ng dugo ay mura. Ang mga mámamahayág hinggil sa medisina, opisyal sa kalusugan, at mga social worker ay makikinabang sa panonood nito. Ito ang video na tinukoy sa pahina 22, parapo 1 ng 2002 Taunang Aklat.)