Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/02 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 8/02 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, subalit higit naming pinasisigla ang pamamahagi ng sumusunod na apat na brosyur kung makukuha ito sa inyong wika: Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao; Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!; Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo; Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman o brosyur na Hinihiling ang iaalok. Kung ang mga may-bahay ay may kopya na ng mga publikasyong ito, maaaring gamitin ang ibang matatagal nang publikasyon.

◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Kapag naisagawa na ito, ipatalastas ito sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng literatura at magasing hawak ng kongregasyon ay dapat na isagawa sa Agosto 31, 2002, o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbibilang na ginagawa ng literature coordinator, at ang kabuuan nito ay dapat na itala sa Literature Inventory form (S-18). Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay makukuha mula sa mga lingkod ng magasin sa bawat kongregasyon na kagrupo sa literatura. Ang bawat coordinating congregation ay makatatanggap ng tatlong Literature Inventory form (S-18) kasama ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya para sa inyong file. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet. Dapat na pangasiwaan ng kalihim ng coordinating congregation ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng coordinating congregation ang pipirma sa form.

◼ Kalakip sa statement ng Hunyo, makatatanggap ang bawat kongregasyon ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10). Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat upang tumpak at masinop na mapunan ang form na ito, pagkatapos ay dapat na maingat na suriin ito ng komite sa paglilingkod. Ang orihinal na kopya ay dapat na ipadala sa tanggapang pansangay bago ang Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya sa inyong file.

◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2003 at sa 2003 Calendar. Magpapadala kami ng isang special order blank para sa dalawang publikasyong ito kasama ng statement ng Hunyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik ito sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6.

◼ May panahon pa para sa mga nagpaplanong magregular pioneer sa pasimula ng taon ng paglilingkod sa Setyembre 1 na isumite ang kanilang aplikasyon. Kapag inaprobahan ng komite sa paglilingkod, dapat na ipadala kaagad ang mga ito sa tanggapang pansangay upang matanggap ang approval bago ang Setyembre 1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share