Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/02 p. 1
  • Pagpapahalaga sa mga Paglalaan ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapahalaga sa mga Paglalaan ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 8/02 p. 1

Pagpapahalaga sa mga Paglalaan ni Jehova

1 Pinaglalaanan ni Jehova ang ating espirituwal na mga pangangailangan sa pamamagitan ng tapat na “alipin.” (Mat. 24:45-47) Kabilang sa maraming paglalaang ito ay ang mga aklat, Bibliya, tomo, video, audiocassette, at mga computer disc para sa pagsasaliksik sa Bibliya. Tunay na masasabi nating sagana tayong pinaglalaanan ng ating espirituwal na mga pangangailangan!

2 Lahat ng mga paglalaang ito ay ginagastusan nang malaki sa pinansiyal na paraan. Ang mga gastusing ito ay binabalikat ng pandaigdig na kapatiran. Lalo nang totoo ito nang ipatupad ang kaayusan hinggil sa donasyon noong taóng 2000, yamang ang pagtatakip ngayon sa mga gastusing ito ay lubusang nakadepende sa kusang-loob na mga kontribusyon. Pinangyayari ng gayong maibiging kaayusan na ang lahat ng kapatid ay magkaroon ng mga literaturang kailangan nila para sa mga pulong at sa paglilingkod sa larangan bagaman ang ilan ay kapos sa materyal.

3 Kung Paano Tayo Makatutulong: Makatutugon tayo sa payo ni Pablo na ibahagi sa iba ang “ayon sa kanilang mga pangangailangan.” (Roma 12:13) Kapag nagbibigay tayo ng kontribusyon sa pandaigdig na gawain, tuwiran nating ibinabahagi ang taglay natin sa mga kapatid sa buong daigdig. Taglay ito sa isipan, marami ang nagpasiyang “magbukod . . . ng anumang maiipon” upang makapag-abuloy bawat linggo o bawat buwan, kagaya ng ginagawa nila para sa mga gastusin ng Kingdom Hall. (1 Cor. 16:2) Sa paggawa nito, kanilang ipinakikita na kinikilala nila na ang mga pondong ito ay hindi lamang para sa paggawa ng mga literatura kundi para sa lahat ng pitak ng pandaigdig na gawain. Kaya ang ating mga kontribusyon ay hindi dapat ituring bilang pambayad lamang sa mga literatura, kundi bilang kontribusyon natin sa pandaigdig na gawain.

4 Maging “Bukas-Palad Kayo sa Inyong Abuloy”: Ipinakikita ng mga salitang ito sa 2 Corinto 9:13 ang tamang espiritu na dapat taglayin. Yaong may higit na tinataglay ay handang magbigay nang higit kaysa sa iba upang yaong may kakaunti ay matulungan, nang sa gayon ay magkaroon ng “pagpapantay-pantay.” (2 Cor. 8:​14, 15) Sa pamamagitan ng pag-aabuloy ng lahat, mahirap man o nakaririwasa, ng kanilang makakaya para sa pandaigdig na gawain, ipinangangako ni Jehova na kaniyang ibubuhos ang “isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.” (Mal. 3:10) Nawa ang bawat isa sa atin ay mapatunayang karapat-dapat sa gayong pagpapala sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating pagpapahalaga sa indibiduwal na paraan sa lahat ng bukas-palad na mga paglalaan ni Jehova!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share