Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina ay maaaring ialok. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Pebrero: Alinman sa aklat na Creation o aklat na Apocalipsis Kasukdulan Nito ay maaaring ialok. Marso: Iaalok ang aklat na Kaalaman taglay ang pagsisikap na mapasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya.
◼ Kung kayo ay magbabakasyon o dadalo sa isang pandistritong kombensiyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking maibigay ninyo ang inyong ulat sa paglilingkod sa larangan sa inyong Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat bago kayo umalis. Kung magiging palaisip ang lahat sa pag-uulat, hindi bababa ang bilang ng mamamahayag sa Disyembre sa kabila ng abalang gawain sa kombensiyon.
◼ Mga Kontribusyon sa Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang arkila sa istadyum, paghahanda ng plataporma at mga public address system, pati na ang gastusin sa anumang bagong publikasyon na maaaring ilabas, ay sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa pambuong-daigdig na gawain. Nakatitiyak kami na isasaisip ninyo ang bagay na ito kapag dumadalo. Maaaring magbigay ng mga kontribusyon sa pamamagitan ng paghuhulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.
◼ 2003 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2003 ay hinalaw sa Santiago 4:8: “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.” Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 2003.
◼ Ang video na Faithful Under Trials—Jehovah’s Witnesses in the Soviet Union ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero. Yaong mga nagnanais na kumuha ng kopya ng video na ito ay dapat humiling nito sa pamamagitan ng kongregasyon karaka-raka hangga’t maaari.
◼ Isang pagbabago ang ginawa sa paraan ng pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Simula sa Enero 2003, pagkatapos ng pambukas na awit at panalangin, ang paaralan ay idaraos sa loob ng humigit-kumulang 25 minuto. Magkakaroon ng limang-minutong pahayag hinggil sa katangian sa pagsasalita, sampung-minutong nakapagtuturong pahayag, at sampung-minutong tampok na mga bahagi sa pagbasa sa Bibliya. Ang Atas Blg. 2, 3, at 4 ay hindi ihaharap. Ang paaralan ay susundan ng kalahating-oras na Pulong sa Paglilingkod. Pagkatapos ng isang awit, magkakaroon ng kalahating-oras na programa na gagampanan ng tagapangasiwa ng sirkito, na susundan ng pangwakas na awit at panalangin.