Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Pebrero 24, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 6 hanggang Pebrero 24, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Tama o Mali: Ang susi sa tumpak na pagbabasa ay ang tiyaking tama sa pandinig ang binabasa, kahit na medyo iba ito sa nakasulat. Ipaliwanag. [be p. 83]
2. Punan ang mga Patlang: Para makapagbasa nang tumpak, ang isa ay dapat ․․․․․․․․, ․․․․․․․․, ․․․․․․․․ at gawin ito nang malakas. [be p. 85]
3. Bakit mahalagang magsalita nang maliwanag? (1 Cor. 14:8, 9) [be p. 86]
4. Ano ang ilang bagay na makapagpapalabo sa pagsasalita, at ano ang maaari nating gawin para makapagsalita nang mas maliwanag? [be p. 87-8]
5. Ano ang ilang salitang ginamit sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo noong nakalipas na dalawang buwan na para sa iyo ay kailangan mong pagsanayang bigkasin nang tama? [be p. 92]
ATAS BLG. 1
6. Tama o Mali: Ang ating mga mata ay nakatutulong sa atin na makinig. Ipaliwanag. [be p. 14]
7. Punan ang mga Patlang: Ang ․․․․․․․․, ang ․․․․․․․․, at ang ․․․․․․․․ ay pawang mga tagapagpahiwatig ng panahon mula sa Diyos. [si p. 279 par. 7]
8. Punan ang mga Patlang: Sa Bibliya, ang salitang “araw” ay maaaring tumukoy sa isang yugto ng ․․․․․․․․ oras, ․․․․․․․․ na oras, ․․․․․․․․ taon, o ․․․․․․․․ taon, anupat mauunawaan sa konteksto kung sa anong diwa ito kumakapit. [si p. 279 par. 8]
9. Paano makatutulong sa atin ang mga halimbawa nina Hana, Marcos, at Elias na mapaglabanan ang panghihina ng loob? Paano natin magagamit ang mga halimbawang ito upang matulungan ang iba? [w01 2/1 p. 20-3]
10. Paano nililiwanag ng pagkaunawa sa sinaunang mga palarong pampalakasan ang ilang talata sa Bibliya? Paano dapat maapektuhan ng impormasyong ito ang ating buhay? [w01 1/1 p. 28-31]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Tama o Mali: Yamang ang Kaharian ng Diyos ay itinatag na sa langit noong 1914, hindi na angkop na manalanging, “Dumating nawa ang iyong kaharian.” (Mat. 6:10) Ipaliwanag. [be p. 279; w96 6/1 p. 31]
12. Tama o Mali: Ang mga salita ni Jesus na nakaulat sa Mateo 11:24 ay nangangahulugan na yaong mga pinuksa ni Jehova sa pamamagitan ng apoy sa Sodoma at Gomorra ay bubuhaying-muli. Ipaliwanag.
13. Piliin ang Tamang Sagot: Ang tapat at maingat na alipin na binabanggit ni Jesus sa Mateo 24:45-47 ay (a) ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova; (b) lahat ng pinahirang Kristiyano bilang isang grupo sa lupa sa anumang panahon; (c) si Jesu-Kristo mismo. Ang aliping ito ay nagbibigay ng espirituwal na pagkain sa tamang panahon sa “mga lingkod ng sambahayan,” na kumakatawan sa (a) mga pinahiran bilang mga indibiduwal; (b) ibang mga tupa; (c) lahat ng mambabasa ng mga Kristiyanong publikasyon. Inatasan ng Panginoon ang alipin sa lahat ng kaniyang mga pag-aari noong taóng (a) 1914; (b) 33 C.E.; (c) 1919.
14. Piliin ang Tamang Sagot: Kasama sa lambat na binabanggit sa ilustrasyon ni Jesus sa Mateo 13:47-50 ang kongregasyon ng pinahirang mga Kristiyano at ang (a) Mesiyanikong Kaharian ng Diyos; (b) kanilang kasamahang ibang mga tupa; (c) Sangkakristiyanuhan.
15. Ayon sa mga salita ni Jesus na nakaulat sa Mateo 5:24, ano ang dapat mong gawin kapag nadama mong nasaktan mo ang damdamin ng isang kapuwa mananamba? [g96 2/8 p. 26-7]