Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na sila ang regular na maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang bagong aklat na Maging Malapít kay Jehova. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo.
◼ Ang mga tomo ng 2002 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari na ngayong pididuhin. Gayunman, tandaan na ang mga ito ay mga special-request item at dapat pididuhin lamang kung may espesipikong kahilingan ang mga mamamahayag para rito. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumating sa panahong natanggap na ang mga pidido, ang mga ito ay mamarkahan ng “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.