Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/03 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 5/03 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na sila ang regular na maghatid ng mga magasin, sa tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang bagong aklat na Maging Malapít kay Jehova. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay​—Kung Paano Ito Matatamo.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung mayroon pa kayong ibang mga form na kakailanganin, maaaring pididuhin ang mga ito sa karaniwang paraan, na ginagamit ang Literature Request form (S-AB-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais na magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga lapel card para sa 2003 na mga Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang pididuhin ang mga ito malibang masumpungan ninyong kulang ang bilang na ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong pumidido ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request form.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share