Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Maaaring itampok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na ng mga publikasyong ito, ialok ang aklat na Sambahin ang Diyos o ang isang mas matagal nang publikasyon. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Pebrero: Iaalok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon.
◼ Isasaayos ang isang programa para sa mga bingi sa “Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa Quezon City sa Enero 9-11, 2004. Ito ay kasabay ng kombensiyon sa wikang Ingles sa petsang iyon. Ang sinumang bingi na nakauunawa ng wikang pasenyas ay dapat dumalo sa kombensiyong ito, yamang hindi magkakaroon ng programa para sa mga bingi sa iba pang mga kombensiyon.
◼ Mga Kontribusyon sa mga Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang mga upa sa istadyum, paghahanda ng plataporma at public address system, gayundin ang halaga ng anumang bagong mga publikasyon na ilalabas, ay sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa pambuong-daigdig na gawain. Nakatitiyak kami na isasaisip ninyo ito kapag dumadalo. Ang mga kontribusyon ay maaaring ihulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index—2002—Ingles