Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/04 p. 1
  • Isang Gawaing Sinusuportahan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Gawaing Sinusuportahan ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Nagbibigay si Jehova ng Lakas na Higit sa Karaniwan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Pahalagahan ang Iyong Pribilehiyong Mangaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Nakahihigit ang Edukasyong Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Paano Magiging Mabibisang Ministro
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 10/04 p. 1

Isang Gawaing Sinusuportahan ng Diyos

1 Sa gitna ng mga lingkod ng Diyos sa ngayon, kakaunti lamang ang may mataas na pinag-aralan, mayaman, o tanyag sa kasalukuyang sistema ng mga bagay. Dahil dito, minamaliit ng ilang tao ang ating ministeryo. (Isa. 53:3) Gayunman, nagdudulot ng kaaliwan at pag-asa sa milyun-milyong tao sa buong daigdig ang ating gawaing pagtuturo sa Bibliya. Paano nakamit ng pangkaraniwang mga tao ang gayong natatanging mga resulta? Dahil lamang sa suporta ng Diyos. (Mat. 28:​19, 20; Gawa 1:8) “Pinili ng Diyos ang mahihinang bagay ng sanlibutan,” ang paliwanag ni apostol Pablo, “upang mailagay niya sa kahihiyan ang malalakas na bagay.”​—1 Cor. 1:26-29.

2 Ang mga apostol at iba pang mga Kristiyano noong unang siglo ay pangunahin nang “walang pinag-aralan at pangkaraniwan.” (Gawa 4:13) Gayunman, lakas-loob nilang itinaguyod ang kanilang atas na ipangaral ang mabuting balita, at pinagpala naman ni Jehova ang kanilang mga pagsisikap. Sa kabila ng mga hadlang at pagsalansang, ‘patuloy na lumago at nanaig ang salita ni Jehova sa makapangyarihang paraan.’ Walang nakapagpahinto sa gawain sapagkat sinuportahan ito ng Diyos. (Gawa 5:​38, 39; 19:20) Totoo rin ito sa makabagong panahon. Maging ang matinding pagsalansang ng makapangyarihang mga tagapamahala ay hindi nakapigil sa pananaig at paglago ng mabuting balita.​—Isa. 54:17.

3 Sa Diyos Nauukol ang Lahat ng Kapurihan: May dahilan ba tayo upang magmalaki dahil sa ating sinang-ayunang katayuan bilang mga ministro ng Diyos? Tiyak na wala. Tinutukoy ang Kristiyanong ministeryo, isinulat ni Pablo: “Taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang luwad, upang ang lakas na higit sa karaniwan ay maging sa Diyos at hindi mula sa aming sarili.” (2 Cor. 4:7) Kinilala ni Pablo na naisagawa niya ang kaniyang ministeryo dahil lamang sa lakas na ibinibigay ng Diyos.​—Efe. 6:​19, 20; Fil. 4:13.

4 Kinikilala rin naman natin na naisasakatuparan lamang ang gawaing pangangaral dahil “natamo [natin] ang tulong na nagmumula sa Diyos.” (Gawa 26:22) Sa pamamagitan ng gayong pambuong-daigdig na paghahayag, ginagamit tayo ni Jehova sa kamangha-manghang paraan upang yanigin ang mga bansa​—isang palatandaan ng inihatol na pagkawasak na malapit nang dumating. (Hag. 2:7) Napakalaki ng ating pribilehiyo na maging “mga kamanggagawa ng Diyos” sa dakilang espirituwal na pag-aani!​—1 Cor. 3:6-9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share