Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/04 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 5/04 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagsasagawa ng mga pagdalaw-muli sa interesadong mga tao, dalawin din ang mga dumalo sa Memoryal o iba pang teokratikong mga okasyon subalit hindi naman aktibong nakikisama sa kongregasyon. Magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos at sikaping makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at ng brosyur na Hinihiling. Hunyo: Ang bagong aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung mayroon pa kayong ibang mga form na kakailanganin, maaaring pididuhin ang mga ito sa karaniwang paraan, na ginagamit ang Literature Request form (S-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais na magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga lapel card para sa 2004 na mga Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang pididuhin ang mga ito malibang masumpungan ninyong kulang ang bilang na ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong pumidido ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request form.

◼ Marami tayong suplay ng Kingdom Melodies No. 9 sa audiocassette sa tanggapang pansangay. Ang mga mamamahayag na interesadong kumuha nito ay maaaring humiling sa lingkod sa literatura na ilakip ito sa kanilang susunod na Literature Request na ipadadala sa tanggapang pansangay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share