Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Hunyo 28, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 3 hanggang Hunyo 28, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Anong mga salik ang maaaring maging dahilan upang mawala sa atin ang pagsasalita sa paraang nakikipag-usap o maging masyadong pormal kapag nagsasalita mula sa plataporma? [be p. 179 par. 4]
2. Bakit ang pagpapasulong ng kalidad ng ating tinig ay hindi lamang basta wastong paghinga at pagrerelaks sa maiigting na kalamnan? [be p. 181 par. 2]
3. Sa ating pagbabahagi ng mga katotohanan sa Bibliya sa iba, anu-anong praktikal na hakbang ang magagawa natin upang ‘maging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao’? (1 Cor. 9:20-23) [be p. 186 par. 2-4]
4. Ano ang nasasangkot sa matamang pakikinig sa ating pagmiministeryo? [be p. 187]
5. Bakit mahalagang magpakita ng paggalang sa lahat ng nasusumpungan natin sa ministeryo? [be p. 190]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang tunguhin ng mga nagsasagawa ng teokratikong pagtuturo, at ano ang tutulong sa atin na maabot ang tunguhing ito? (Mat. 5:16; Juan 7:16-18) [be p. 56 par. 3–p. 57 par. 2]
7. Bakit makabubuting gumawa ng paghahambing kapag nagtuturo, at paano ginamit ni Jesus ang paraang ito ng pagtuturo? [be p. 57 par. 3; p. 58 par. 2]
8. Kabaligtaran sa mga Pariseo, paano naabot ng pagtuturo ni Jesus ang puso ng mga tao? [be p. 59 par. 2-3]
9. Paano natin matutulungan ang ating mga tinuturuan na ikapit ang kanilang natututuhan, nang hindi naman nagpapasiya para sa kanila? [be p. 60 par. 1-3]
10. Paano tayo dapat tumugon sa mga tanong ng iba tungkol sa mga bagay na nangangailangan ng personal na desisyon? [be p. 69 par. 4-5]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Bakit kinailangang mahigpit na sundin ni Moises ang “parisan ng tabernakulo at parisan ng lahat ng kagamitan niyaon”? (Ex. 25:9) [it-2-E p. 1058 par. 7]
12. Ano ang matututuhan natin sa tugon ni Aaron kay Moises hinggil sa pangyayari may kaugnayan sa ginintuang guya? (Ex. 32:24)
13. Ano ang matututuhan natin sa ipinamalas na pananampalataya ng mga Israelita sa pagsunod sa utos ni Jehova sa Exodo 34:23, 24?
14. Ano ang layunin ng haing pansalu-salo? (Lev. 3:1)
15. Paanong ang paraan ng pagtatalaga may kaugnayan kay Aaron, na nakaulat sa Levitico 8:23, ay kumakapit kay Jesus sa antitipikong paraan? [it-2-E p. 1113 par. 4; w69 p. 15 par. 24]