Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur. Setyembre: Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Para sa mga hindi nagbabasa ng Ingles, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman bilang kahalili. Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag may mga nagpakita ng interes, ipakita ang brosyur na Hinihiling at dalawin silang muli taglay ang tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kung ang ilan ay nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at ng brosyur na Hinihiling, subuking makapagpasimula ng pag-aaral sa aklat na Sambahin ang Diyos.
◼ Sa Sabado, Agosto 28, 2004, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay isasara sa umagang iyon at walang isasagawang mga tour sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.
◼ Simula sa unang linggo ng Setyembre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Kaninong mga Pamantayan ang Iyong Pinahahalagahan?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang tanggapang pansangay ay kailangang mag-ingat ng isang napapanahong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at kalihim. Kailanma’t may pagbabago, dapat punan, lagdaan, at ipadala kaagad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang form na Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) sa tanggapang pansangay. Ipadadala rin ito kung may anumang pagbabago sa mga area code ng telepono.
◼ Kapag nagpaplano kang dumalo sa mga pulong ng kongregasyon, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang iyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at mga lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.