Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso 1-20: Ialok ang aklat na Kaalaman na may tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Marso 21–Abril 17: Pantanging kampanya sa pamamahagi ng brosyur na Patuloy na Magbantay! Abril 18–Mayo 31: Itampok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling. Hunyo: Iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais mag-auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat magplano na ngayon at maagang magsumite ng kanilang mga aplikasyon. Makatutulong ito sa matatanda upang makagawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makakuha ng sapat na mga magasin at iba pang literatura para magamit nila. Ang mga pangalan ng mga inaprobahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon.
◼ Pagbasa sa Bibliya sa Memoryal: Ang lahat ay hinihimok na basahin ang iminungkahing bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2005 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Marso 19 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Marso 24.
◼ Mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Mula sa linggo ng Mayo 23, 2005 hanggang sa linggo ng Hunyo 20, 2005, pag-aaralan natin ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Pagkatapos, pasimula sa linggo ng Hunyo 27, 2005, pag-aaralan natin ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! sa mga pag-aaral sa aklat. Dapat ipadala kaagad ng mga kongregasyong gumagamit ng wikang Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog ang kanilang order para sa aklat na Hula ni Daniel upang matiyak na ang lahat ay may personal na kopyang pag-aaralan. Sa mga kongregasyong gumagamit ng wikang Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte, ang pag-aaralang materyal ay inililimbag sa anyong buklet at ipadadala ang suplay sa bawat kongregasyon upang makakuha ng kopya ang bawat mamamahayag. Kaya hindi na kailangang umorder para sa tatlong wikang ito.