Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/05 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 5/05 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Mayo: Itampok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling. Hunyo: Iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Kapag nagawa na ito, ipatalastas ito sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon ng paglilingkod. Kung mayroon pa kayong ibang mga form na kakailanganin, maaaring pididuhin ang mga ito sa karaniwang paraan, na ginagamit ang Literature Request Form (S-14). Ang mga form ay ipinadadala nang walang bayad, ngunit walang alinlangan na ang mga kongregasyon ay nagnanais na magbigay ng makatuwirang kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain upang tumulong sa mga gastusin sa pag-iimprenta at pagpapadala. Pakisuyong pansinin na ang mga lapel card para sa 2005 na Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangan pang mag-order ng mga ito malibang masumpungan ninyong kulang ang bilang na ipinadala sa inyo. Gayunman, kailangan ninyong umorder ng mga celluloid badge holder sa regular na Literature Request Form.

◼ Makukuhang Bagong DVD:

Noah Walked With God—David Trusted in God—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share