Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 26, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Nobyembre 7 hanggang Disyembre 26, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang maaari nating gawin upang matiyak na ang ating ibinibigay na payo ay “salig sa pag-ibig”? (Flm. 9) [be p. 266]
2. Sa anu-anong paraan ‘makapagpapayo tayo sa pamamagitan ng turo na nakapagpapalusog’? (Tito 1:9) [be p. 266 par. 5–p. 267 par. 1]
3. Bakit mahalaga na gawing nakapagpapatibay ang ating mga pahayag, at paano natin ito magagawa? [be p. 268 par. 1-3, kahon]
4. Bilang pagtulad kay Moises, paano nakapagpapatibay sa iba ang pagtulong natin sa kanila na alalahanin ang ginawa ni Jehova para sa kaniyang bayan? (Deut. 3:28; 31:1-8) [be p. 268 par. 5–p. 269 par. 2]
5. Bakit ang pagsasalita nang may kaluguran hinggil sa ginagawa ngayon ni Jehova at sa kaniyang gagawin sa hinaharap ay makapagpapatibay sa ating mga tagapakinig? [be p. 270-1]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang Septuagint, at bakit interesado ang mga Kristiyano rito? [si p. 307 par. 12–p. 310 par. 14]
7. Sinu-sino ang mga Masoret o Masorete, at anu-anong kapansin-pansing mga bagay ang naitulong nila sa pagsasalin ng Bibliya? [si p. 310 par. 18; p. 311 par. 20-1]
8. Ano ang naging saligan para sa seksiyong Hebreo ng New World Translation sa Ingles, at bakit natin masasabi na ang saling ito ay mapanghahawakan at mapananaligan? [si p. 312 par. 28, 30]
9. Paano ipinakita ng unang mga Kristiyano ang masidhing hangarin na ipahayag ang Salita ng Diyos? [si p. 315 par. 1-5]
10. Ano ang isinisiwalat ng pag-aaral hinggil sa umiiral na mga manuskrito at teksto ng Banal na Kasulatan tungkol sa Bibliya? [si p. 320 par. 32]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Yamang hindi pinahintulutan si David na itayo ang templo, ipinahihiwatig ba nito na hindi sinang-ayunan ni Jehova ang mga pakikidigma ni David? (1 Cro. 22:6-10)
12. Sa kaniyang panalangin hinggil sa pag-aalay ng templo, paano kinilala ni Solomon na si Jehova ay hindi lamang nagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng Kaniyang mga lingkod bilang grupo kundi pati rin sa partikular na kalagayan ng bawat indibiduwal na natatakot sa Kaniya? (2 Cro. 6:29, 30)
13. Ano ang “hugis-kambing na mga demonyo” na tinutukoy sa 2 Cronica 11:15?
14. Yamang ang pamamahala ni Baasa ay nagsimula noong “ikatlong taon ni Asa” at nagtagal lamang ng 24 na taon, paano ito maitutugma sa pag-ahon ni Baasa “laban sa Juda” noong “ikatatlumpu’t anim na taon ng paghahari ni Asa”? (1 Hari 15:33; 2 Cro. 16:1)
15. Paano buong-linaw na inilalarawan ng 2 Cronica 20:22, 23 ang mangyayari sa sanlibutan ni Satanas?