Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Iaalok natin ang bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal o iba pang teokratikong pagtitipon ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hunyo: Ialok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya.
◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Abril, magandang buwan ito upang mag-auxiliary pioneer. Ang mga mamamahayag na nagnanais mag-auxiliary pioneer sa Abril ay dapat magplano na ngayon at maagang magsumite ng kanilang mga aplikasyon. Tutulong ito sa matatanda na makagawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makakuha ng sapat na mga magasin na magagamit ng mga payunir. Ang mga pangalan ng mga inaprubahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon.
◼ Ang Memoryal ay gaganapin sa Miyerkules, Abril 12, 2006. Kung ang regular na pulong ng inyong kongregasyon ay Miyerkules, maaari itong idaos sa ibang araw ng linggong iyon. Pinasisigla ang lahat na basahin ang iminungkahing mga bahagi ng Bibliya na nakaiskedyul sa 2006 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Abril 7 at magtatapos sa araw ng Memoryal, Abril 12.
◼ Dapat ipamahagi kaagad ng mga kongregasyon sa mga mamamahayag ang pinakabagong labas ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap sa mga ito mula sa tanggapang pansangay. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mamamahayag na maging pamilyar sa nilalaman ng mga magasin bago ito ialok sa paglilingkod sa larangan. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay dapat ding ipamahagi sa mga mamamahayag kara-karaka pagkatanggap sa mga ito. Maaari itong ipamahagi sa mga grupo ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
◼ Kung kasama sa inyong personal na mga plano sa paglalakbay ang pagdalo sa mga pulong, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at mga lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.
◼ Tatalakayin ang programa sa video na Noah—He Walked With God sa Pulong sa Paglilingkod sa Mayo. Kung kailangan ninyo ng kopya, maaaring mag-order nito mula sa tanggapang pansangay. Pakisuyong banggitin kung VHS o DVD ang order ninyo.
◼ Makukuhang Bagong mga Audiocassette:
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? (5 cassette)—Ingles
◼ Makukuhang Bagong mga Compact Disc:
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? (7 CD)—Ingles