Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/07 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 1/07 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero: Maaaring ialok ang alinmang 192-pahinang aklat na inilathala bago ang 1991. Kung walang stock ang inyong kongregasyon ng alinman sa matatandang aklat na ito, ialok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Pebrero: Ialok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Kung wala kayong stock ng aklat na ito, maaari ninyong ialok ang aklat na Kaalaman o alinman sa mas matatagal nang publikasyon. Marso: Itampok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning mapasimulan ang pag-aaral sa Bibliya.

◼ Dapat gumawa ng kaayusan ang mga kongregasyon para sa pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito sa Lunes, Abril 2, 2007, pagkalubog ng araw. Bagaman maaaring simulan nang mas maaga ang pahayag, ang pagpapasa ng emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi pa lumulubog ang araw. Bagaman kanais-nais sana na bawat kongregasyon ay magdaos ng sariling pagdiriwang ng Memoryal, baka hindi ito laging posible. Kung higit sa isang kongregasyon ang karaniwang gumagamit sa isang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring gumamit ng ibang pasilidad para sa gabing iyon. Kung posible, iminumungkahi namin na magkaroon ng di-kukulangin sa 40-minutong pagitan sa mga programa upang lubusang makinabang ang lahat sa okasyong ito.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 2007 ay gaganapin sa Linggo, Abril 15, 2007. Ipatatalastas ang paksa ng pahayag sa ibang panahon. Ang mga kongregasyon na dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito o may asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa kasunod na linggo. Hindi dapat magkaroon ng pantanging pahayag ang alinmang kongregasyon bago ang Abril 15.

◼ Simula sa Marso 2007, ang bagong pahayag pangmadla para sa mga tagapangasiwa ng sirkito ay “Ano ang Katayuan mo sa Harap ng Diyos?”

◼ Ang video na Young People Ask—What Will I Do With My Life? ay tatalakayin sa isang Pulong sa Paglilingkod sa Abril. Kung kailangan, dapat humiling ng mga kopya sa pamamagitan ng kongregasyon.

◼ Dapat tiyakin ng mga kalihim sa kongregasyon na mayroon silang pioneer appointment letter (S-202) para sa bawat regular pioneer sa kongregasyon. Kung wala, dapat nilang ipagbigay-alam ito sa tanggapang pansangay sa pamamagitan ng sulat.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:

Pambulsang Edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan na may malambot na pabalat —Ingles (Kulay maroon o itim.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share