Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Pebrero 26, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 1 hanggang Pebrero 26, 2007. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kailan dapat banggitin ang praktikal na pagkakapit ng ating materyal, at paano ito dapat gawin? [be p. 158 par. 2-4]
2. Bakit mahalagang tulungan ang iba na makita ang praktikal na kahalagahan ng impormasyong inihaharap natin, at paano natin ito magagawa? [be p. 159 par. 3-4]
3. Bakit mahalaga ang ating pagpili ng mga salita? [be p. 160]
4. Ano ang tutulong sa atin na gumamit ng sari-saring salita nang may katumpakan? [be p. 161 par. 5-6; p. 162 par. 1, 4]
5. Anu-ano ang ilang bentaha ng pagpapahayag mula sa balangkas na nasa isip o nakasulat? [be p. 166 par. 1-3]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang nasasangkot sa paghahanda ng atas sa pagbabasa? [be p. 43 par. 2, 4]
7. Ano ang kailangan upang malinang natin ang pag-ibig ni Jehova sa tama at pagkapoot sa mali? (Heb. 5:14) [w05 1/1 p. 9 par. 11]
8. Ano ang dapat nating tandaan kung may mabasa tayo sa Bibliya na nagiging dahilan upang mag-alinlangan tayo kung kumilos ba ang Diyos sa makatarungan o sa tamang paraan? [w05 2/1 p. 24 par. 7]
9. Paano tayo dapat tumugon kapag may pagkakasalungatan ang kautusan ng Diyos at ang mga kahilingan ng tao? [w05 4/15 p. 12 par. 9]
10. Paano itinatampok ng Isaias ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ng Mesiyas at ang tagapagpauna, si Juan na Tagapagbautismo? [si p. 123 par. 35]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Ano ang “balot” at ang “gawang hinabi” na binabanggit sa Isaias 25:7?
12. Paano ‘makikita’ at ‘maririnig’ ng mga tao si Jehova? (Isa. 30:20, 21)
13. Tama o Mali: Binigkas ni Hezekias ang panalangin na nakaulat sa Isaias 38:3 dahil sa kagustuhan niyang mabuhay pa nang matagal.
14. Paano makapaglilingkod ang mga Israelita bilang mga saksi ni Jehova, at paano natin sila matutularan? (Isa. 43:10)
15. Kasuwato ng makahulang parisan na binabanggit sa Isaias 52:11, 12, ano ang kailangan upang ‘madala ang mga kagamitan ni Jehova’?