Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Itampok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning mapasimulan ang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya.
◼ Pinasisigla namin ang lahat ng nagnanais mag-auxiliary pioneer sa Abril na magplano na ngayon at maagang magsumite ng kanilang mga aplikasyon. Tutulong ito sa matatanda na makagawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makakuha ng sapat na mga magasin na magagamit ng mga payunir. Ang mga pangalan ng inaprubahan bilang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon upang mapasigla ang iba na sumama sa kanila sa pantanging buwang ito ng gawain.
◼ Pinasisigla ang lahat na basahin ang iminumungkahing bahagi ng Bibliya ayon sa iskedyul na nasa 2007 Calendar at Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Miyerkules, Marso 28 at hanggang Martes, Abril 3, 2007. Ito ang mga pangyayari noong huling mga araw ni Jesus sa lupa mula Nisan 9 hanggang 14, 33 C.E.
◼ Sa pag-audit ng kuwenta ng kongregasyon sa buwang ito gaya ng ipinatalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian noong Pebrero, titiyakin ng punong tagapangasiwa na kasama sa audit ang mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Dapat ipamahagi kaagad ng mga kongregasyon sa mga mamamahayag ang pinakabagong labas ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap sa mga ito. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mamamahayag na maging pamilyar sa nilalaman ng mga magasin bago ito ialok sa paglilingkod sa larangan. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay dapat ding ipamahagi sa mga mamamahayag karaka-raka pagkatanggap sa mga ito. Maaari itong ipamahagi sa mga grupo ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
◼ Kung kasama sa inyong personal na mga plano sa paglalakbay ang pagdalo sa mga pulong, asamblea, o pandistritong kombensiyon sa ibang lupain, ang inyong kahilingan para sa impormasyon may kaugnayan sa petsa, oras, at mga lugar ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay na nangangasiwa ng gawain sa lupaing iyon. Ang mga adres ng mga tanggapang pansangay ay nakalista sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyong may malambot na pabalat)—Cebuano