Bigyang-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig
Napakahalagang magbigay ng matamang pansin kapag dumadalo sa mga pandistritong kombensiyon. (Luc. 8:18) Paano mo mapasusulong ang iyong kakayahang makinig?
◼ Iwasang kumain nang marami bago ang mga sesyon.
◼ Humingi ng tulong sa panalangin na makapagtuon ka ng pansin sa programa.
◼ Tumingin sa tagapagsalita.
◼ Kumuha ng maiikling nota ng mahahalagang punto.
◼ Subaybayan ang pagbasa sa mga teksto.
◼ Bulay-bulayin ang tinatalakay na materyal.
◼ Pag-isipan kung paano gagamitin ang iyong napakinggan.
◼ Pagkatapos ng sesyon, ipakipag-usap sa iba ang natutuhan mo.
Tingnan ang Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, pahina 13-16.