Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/07 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 12/07 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Maging Malapít kay Jehova, o Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa 192-pahinang aklat na inilathala bago 1991. Kung walang suplay ng mga aklat na ito ang inyong kongregasyon, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman (kung mayroon) o ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Pebrero: Maaaring ialok ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? o ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Magsikap nang husto na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

◼ Kung alam mong wala ka sa kongregasyon sa katapusan ng Disyembre dahil dadalo ka sa isang pandistritong kombensiyon, tiyaking maibibigay mo sa inyong Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang iyong ulat ng paglilingkod sa larangan bago ka umalis. O, kung nasa medyo malayo ka, maaari mong itawag sa telepono o i-text sa kaniya o sa kalihim ng kongregasyon ang iyong ulat, sa gayo’y nagiging ‘tapat ka sa pinakakaunti.’—Luc. 16:10.

◼ Dapat i-audit ng inatasan ng punong tagapangasiwa ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).

◼ 2008 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2008 ay hinalaw sa Exodo 14:13: “Tumayo kayong matatag at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall pasimula sa Enero 1, 2008.

◼ Makukuhang bagong DVD: The Bible—A Book of Fact and Prophecy sa wikang Ingles. (Tatlong video sa isang DVD.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share