Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/08 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 2/08 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Maaaring ialok ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? o ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Edisyong pampubliko ng Ang Bantayan kasama ang Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya.

◼ Dapat suriin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat gumawa ng kaayusan ang mga elder para matulungan ang mga payunir na abutin ang taunang kahilingan pagsapit ng Agosto 31, 2008.

◼ Sa Linggo, Pebrero 17, 2008, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito. Titiyakin niyang may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

◼ Please Follow-Up slip para sa Gitnang Silangan: Kapag nagpapadala ng mga S-43 form sa Samahan para makontak ang mga mamamahayag o interesadong mga tao na nagtatrabaho ngayon sa Gitnang Silangan, pakisuyong tiyaking kalakip ang sumusunod na impormasyon: (1) Ang iyong pangalan at kongregasyon; (2) isulat kung kamag-anak mo ang taong kokontakin; (3) numero ng telepono ng taong kokontakin, mas maganda kung numero ng cellphone niya; (4) ang buong pangalan, adres sa koreo, at wika ng taong iyon (ang P.O. Box address ay mas madaling makontak sa pamamagitan ng sulat); (5) anumang impormasyon hinggil sa pinagmulan ng indibiduwal na iyon (kung estudyante siya ng Bibliya, sabihin ang antas ng kaniyang pagsulong sa espirituwal). Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na detalye, magiging mas madali para sa mga kapatid na makontak ang taong iyon nang hindi isinasapanganib ang gawain sa mga lupaing ito na ipinagbabawal ang gawain.

◼ Makukuhang bagong DVD:

Pursue Goals That Honor God on DVD—Ingles (Salig sa drama noong 2005 hinggil sa buhay ni Timoteo.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share