Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Ang edisyong pampubliko ng Ang Bantayan kasama na ang Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Pagsikapang makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng punong tagapangasiwa ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero. Hindi dapat gamitin ang parehong indibiduwal sa magkasunod na audit. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Pinaaalalahanan ang lahat na basahin ang iminumungkahing bahagi ng Bibliya ayon sa iskedyul na nasa 2008 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Lunes, Marso 17 at hanggang Linggo, Marso 23, 2008.
◼ Hinihimok namin ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Abril na magplano na ngayon at maagang isumite ang kanilang aplikasyon. Makatutulong ito sa matatanda para makagawa ng kinakailangang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makapag-order ng sapat na suplay ng magasin. Ang mga pangalan ng naaprubahang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon upang mapasigla ang iba na magpayunir din sa espesyal na buwang ito ng gawain.
◼ Ang tema ng serye ng pandistritong kombensiyon sa 2008 ay “Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos.”
◼ Dapat ipamahagi kaagad ng mga kongregasyon sa mga mamamahayag ang pinakabagong isyu ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap sa mga ito. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mamamahayag na maging pamilyar sa nilalaman ng mga magasin bago ialok ang mga ito sa paglilingkod sa larangan.
◼ Makukuhang Bagong DVD:
To the Ends of the Earth at United by Divine Teaching—On DVD. (Dalawang video sa isang DVD.)