Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Oktubre 27, 2008. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 1 hanggang Oktubre 27, 2008.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin malalaman kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao at bakit? [be p. 259 par. 1, 2]
2. Paano natin matutulungan ang isang tao na alisin ang pagtatangi o pagkapoot sa kaniyang puso? [be p. 260 par. 2]
3. Paano natin matutulungan ang ating mga estudyante na suriin ang kanila mismong puso sa layuning patuloy na pasulungin ang kanilang kaugnayan kay Jehova? [be p. 261 par. 3]
4. Ano ang dapat nating isaisip habang sinisikap nating abutin ang puso ng ating mga tagapakinig? [be p. 262 par. 5]
5. Bakit dapat nating bigyang-pansin ang itinakdang haba ng oras sa mga pulong ng kongregasyon? [be p. 263 par. 1, 3, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang nag-udyok kay Pablo na isulat ang kaniyang unang liham sa mga taga-Corinto? [si p. 210 par. 3]
7. Bakit isinulat ni Pablo ang kaniyang ikalawang liham sa mga taga-Corinto? [si p. 214 par. 1-2]
8. Paano dapat ituring ng mga Kristiyano ang ministeryo? [si p. 216-217 par. 18]
9. Gaya ng mga kapatid sa Filipos, paano natin ngayon matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos at maging isang kagalakan sa ating mga kapatid? [si p. 225 par. 12]
10. Anu-ano ang naging positibong epekto ni Pablo at ng kaniyang mga kasama sa kongregasyon sa Tesalonica? [si p. 231 par. 13]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Ano ang kahulugan ng ‘ibigay ang taong balakyot kay Satanas para sa pagkapuksa ng laman, upang ang espiritu ay maligtas’? (1 Cor. 5:5) [w08 7/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham sa mga Taga-Corinto”]
12. Gaano kadalas dapat alalahanin ang kamatayan ni Jesus, at “hanggang” kailan? (1 Cor. 11:26) [w08 7/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham sa mga Taga-Corinto”]
13. Anong pangitain ang binabanggit sa 2 Corinto 12:2-4, at sino ang malamang na nakakita nito? [w04 10/15 p. 8 par. 4; p. 10 par. 9]
14. Bakit inihalintulad ni Pablo ang Kautusan ni Moises sa isang “tagapagturo . . . na umaakay tungo kay Kristo”? (Gal. 3:24) [w08 3/1 p. 18-21]
15. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang manalangin siya na ‘maingatan nawa ang espiritu at kaluluwa at katawan ninyo mga kapatid’? (1 Tes. 5:23) [w08 9/15 “Ang Salita ni Jehova ay Buháy—Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham sa mga Taga-Tesalonica at kay Timoteo”]