Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Ialok ang alinman sa sumusunod kung makukuha ito sa inyong kongregasyon, Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Magasing Bantayan at Gumising!
◼ Dapat suriin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat gumawa ng kaayusan ang mga elder para matulungan ang mga payunir na abutin ang taunang kahilingan pagsapit ng Agosto 31, 2009.
◼ Sa Linggo, Pebrero 15, 2009, pagkatapos ng Pag-aaral sa Bantayan, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito. Titiyakin niyang may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.
◼ Dapat tiyakin ng mga kalihim ng kongregasyon na mayroon silang Pioneer Appointment Letter (S-202) para sa bawat regular pioneer sa kongregasyon. Kung wala, dapat silang sumulat upang ipagbigay-alam ito sa tanggapang pansangay.