Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/09 p. 1
  • Lubusang Maghanda Para sa Memoryal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lubusang Maghanda Para sa Memoryal
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 3/09 p. 1

Lubusang Maghanda Para sa Memoryal

Isa ngang kagalakan at pribilehiyo para sa mga tagasunod ni Kristo na lubusang maghanda para sa gabi ng pag-alaala sa kamatayan ni Jesu-Kristo! (Luc. 22:19) Anong mga hakbang ang dapat gawin bilang paghahanda sa Memoryal?

◼ Oras at Lugar: Alam dapat ng lahat kung anong oras at kung saan gaganapin ang Memoryal. Kung higit sa isang kongregasyon ang magtitipon sa Kingdom Hall, mahalaga na dumating sa oras at umalis sa maayos na paraan, yamang limitado lamang ang panahon sa pagitan ng mga gaganaping Memoryal. Sikaping iwasan ang pagsisikip sa mga pasukan, daanan ng tao, at paradahan.

◼ Imbitasyon: Lahat ba ng mamamahayag ay may ipapamahaging imbitasyon, at alam ba nila ang nilalaman nito? Nagpraktis na ba kayo kung paano ninyo ito ihaharap sa mga tao? Sino ang bibigyan ninyo nito? Dapat sikaping maipamahagi ang lahat ng imbitasyon.

◼ Transportasyon: Baka kailangan ng ilang interesado pati na ng ilang kapatid na dadalo ng masasakyan o ng iba pang tulong. Ano ang ginawang mga kaayusan para sa kanila?

◼ Emblema: Tiyaking nakalubog na ang araw bago ipasa ang mga emblema. Dapat gumawa ng mga kaayusan na maisilbi ang mga emblema sa sinumang pinahiran na may sakit at hindi kayang dumalo. Dapat kumuha at maghanda ng angkop na uri ng tinapay at alak.—Tingnan ang Bantayan ng Pebrero 15, 2003, pahina 14-15, parapo 14, 17.

◼ Kingdom Hall: Dapat itong patiunang linising mabuti. Ang mga plato, kopa o baso para sa alak, at angkop na mesa at mantel ay dapat na patiunang dalhin at ayusin sa bulwagan. Kung sa ibang lugar idaraos ang pagtitipon, tiyaking may magagamit na maayos na sound system upang marinig ng lahat ng dadalo ang tagapagsalita. Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na patiunang piliin at tagubilinan hinggil sa kanilang mga tungkulin at kung paano nila ito gagawin, at na kailangan nilang manamit at mag-ayos nang disente.

Bilang mga indibiduwal at bilang kongregasyon, nais nating lubusang maghanda para sa pinakamahalagang okasyong ito, ang Memoryal ng kamatayan ni Jesus-Kristo. Tiyak na saganang pagpapalain ni Jehova ang lahat ng taos-pusong nagpapahalaga sa lahat ng inilaan niya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng hain ng kaniyang minamahal na Anak, si Jesu-Kristo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share