Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Abril at Mayo: Magasing Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga dumalo sa Memoryal, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Dapat isaayos ng koordineytor ng lupon ng matatanda na ma-audit ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Pinaaalalahanan ang lahat na basahin ang iminumungkahing bahagi ng Bibliya ayon sa iskedyul na nasa 2009 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Abril 5 at magpapatuloy hanggang Abril 10, 2009, araw pagkatapos ng Memoryal.
◼ Hinihimok namin ang lahat ng nagbabalak mag-auxiliary pioneer sa Abril na magplano na ngayon at maagang isumite ang kanilang aplikasyon. Ang mga pangalan ng naaprubahang mga auxiliary pioneer ay dapat ipatalastas sa kongregasyon upang mapasigla ang iba na magpayunir din.