Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Abril 27, 2009. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 2 hanggang Abril 27, 2009.
1. Ano ang ginawa ni Jose para mapaglabanan ang isang tukso na araw-araw na napaharap sa kaniya? (Gen. 39:7-12) [lv p. 105 par. 18–p. 106 par. 20]
2. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdiriwang ng araw ng kapanganakan? (Gen. 40:20-22) [lv p. 150 par. 9–p. 151 par. 11]
3. Bakit isang napakagandang halimbawa para sa atin si Jose pagdating sa pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin? (Gen. 45:4, 5) [w99 1/1 p. 31 par. 2-3]
4. Ano ang naging epekto ng mga pananalita ni Jose na, “Iahon ninyo ang aking mga buto mula rito”? (Gen. 50:25) [w07 6/1 p. 28 par. 10]
5. Paano tayo magkakaroon ng kumpiyansa sa sarili kapag binigyan tayo ng isang mahirap na atas? (Ex. 4:10, 13) [w04 3/15 p. 25 par. 4]
6. Ano ang naging resulta ng paraan ng pakikitungo ni Jehova kay Paraon, at paano dapat makaapekto sa atin ang mga pangyayaring iyon? (Ex. 9:13-16) [w05 5/15 p. 21 par. 8]
7. Ano ang kahulugan ng Exodo 14:30, 31 para sa atin sa ngayon? [w04 3/15 p. 26 par. 5]
8. Gaya ng ipinapakita sa Exodo 16: 1-3, ano ang mga panganib sa pagrereklamo? [w93 3/15 p. 21 par. 1-3]
9. Kasuwato ng mga kundisyon ng Tipang Kautusan na binabanggit sa Exodo 19:5, 6, paano masasabing ang Israel ay “isang kaharian ng mga saserdote . . . at isang banal na bansa”? [w95 7/1 p. 16 par. 8]
10. Sa anong paraan nakahihigit sa batas ng tao ang ikasampung utos hinggil sa kaimbutan? (Ex. 20:17) [w06 6/15 p. 23-24 par. 16]