Mga Patalastas
◼ Alok sa Mayo: Magasing Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga dumalo sa Memoryal, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur; gayunman, makabubuting iharap ang brosyur na Hinihiling, yamang magagamit ito sa pag-aalok ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Sa susunod na ilang buwan ay ipadadala namin ang mga form na kakailanganin ninyo sa kongregasyon sa darating na taon. Kung kailangan ninyo ng iba pang mga form, maaaring i-order ang mga ito gamit ang Literature Request Form (S-14). Pakisuyong pansinin na ang mga badge card para sa 2009 Pandistritong Kombensiyon ay isasama sa ipadadalang mga form, kaya hindi na kailangang umorder ng mga ito malibang kulang ang ipinadala sa inyo. Gayunman, kung kailangan ninyo ng mga celluloid badge holder, dapat kayong umorder nito gamit ang S-14 form.