Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/09 p. 4
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 7/09 p. 4

Mga Patalastas

◼ Alok sa Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur na nasa stock; gayunman, makabubuting iharap ang brosyur na Hinihiling, yamang magagamit ito sa pag-aalok ng pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes ang may-bahay, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? sa pag-aalok ng pag-aaral.

◼ Kung pinaplano ninyong maglakbay sa isang lupaing hindi nakatala sa kasalukuyang ulat ng taon ng paglilingkod o sa adres sa huling pahina ng pinakabagong Taunang Aklat, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay para alamin kung anu-anong pag-iingat ang kailangang gawin o mga tagubilin ang kailangang sundin. Posibleng may paghihigpit sa ating gawain sa lugar na iyon. (Mat. 10:16) Sa ilang lupain, baka hindi makabubuting makipag-ugnayan sa lokal na mga Saksi o kongregasyon. Ang tanggapang pansangay ay maaaring magbigay ng iba pang tagubilin hinggil sa di-pormal na pagpapatotoo o pagdadala ng literatura. Ang inyong kooperasyon ay makatutulong para maiwasan ang di-kinakailangan mga problema, lalo na sa gawaing pang-Kaharian.—1 Cor. 14:33, 40.

◼ Sa Sabado, Agosto 29, 2009, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Bethel sa Quezon City, kaya ang Bethel, pati na ang Literature Reception, ay isasara sa umagang iyon ng Sabado. Walang tour sa araw na iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share