Mga Patalastas
◼ Alok sa Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? para magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kapag may anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro.
◼ Dapat i-audit ng koordineytor ng lupon ng matatanda o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon para sa buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Ipinaaalaala sa matatanda na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 21-23, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na baka gusto nang makabalik.
◼ Magpapadala ng espesyal na mga handbill para sa pag-aanyaya sa “Patuloy na Magbantay!” na Pandistritong Kombensiyon. Magsisimula ang pamamahagi ng mga ito sa mga tao sa inyong teritoryo tatlong linggo bago ang inyong kombensiyon. Dapat na tiyaking nailagay sa mga handbill ang lugar, petsa, at oras ng kombensiyon bago ito ipamahagi.