Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/09 p. 1
  • Saganang Pinagpapala ang mga Payunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Saganang Pinagpapala ang mga Payunir
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 8/09 p. 1

Saganang Pinagpapala ang mga Payunir

1. Ano ang nag-udyok sa marami na magpayunir?

1 Noong nakaraang taon, may average na mahigit isang milyon ang nag-auxiliary at nagregular pioneer sa buong daigdig. Bakit sila nagpayunir? “Sapagkat dumating na ang oras ng paghatol” ng Diyos. Wala nang mas apurahan pa kaysa sa paghahayag ng “walang-hanggang mabuting balita.”—Apoc. 14:6, 7.

2. Paano nakapagpayunir ang marami?

2 Kung Paano Makapagpapayunir: Yamang “ang panahong natitira ay maikli na,” sinisikap ng mga payunir na panatilihing simple ang kanilang buhay. (1 Cor. 7:29, 31) Binabawasan nila ang kanilang gastusin para hindi sila matali sa sekular na trabaho. (Mat. 6:19-21) Dahil sa pagtitiwala kay Jehova at pagsasakripisyo, marami ang nakapagpayunir. Makapagpapayunir ka rin ba? Bakit hindi tanungin ang sekreto ng matatagumpay na payunir? Makipagpartner sa kanila sa ministeryo para madama mo kung gaano sila kasaya. Tingnan natin ang ilan sa mga pagpapala ng mga payunir.

3-5. Ano ang mga pagpapala ng mga payunir?

3 Mga Pagpapala at Kagalakan: “Isang pagpapala na matutuhang gamitin nang wasto ang Salita ng Diyos,” ang sabi ng isang kabataang payunir. “Ngayon, kapag nagbabahay-bahay ako, nakakaisip na ako ng mga tekstong babagay sa bawat nakakausap ko.”—2 Tim. 2:15.

4 Dahil sa pagpapayunir, natututuhan ng mga kabataan kung paano makitungo sa mga tao at kung paano magbadyet ng kanilang panahon at pera. Marami din ang sumulong sa espirituwal.—Efe. 4:13.

5 Marahil ang pinakamalaking pagpapala ng pagpapayunir ay ang pagiging mas malapít kay Jehova. Isang sister na nakapagbata ng matinding kahirapan ang nagsabi: “Nang magpayunir ako, naging malapít ako kay Jehova at ito ang nakatulong sa akin na makapagbata. Natuto akong magsakripisyo sa mga paraang hindi ko akalaing magagawa ko.”—Gawa 20:35.

6. Bakit tamang-tama ang buwan ng Setyembre para magregular pioneer?

6 Makakapagsimula Ka Na ba sa Setyembre? Tamang-tama ang simula ng bagong taon ng paglilingkod para magregular pioneer. Nakakapag-auxiliary pioneer ka ba at nakaka-50 oras sa isang buwan? Puwede mo ba itong dagdagan ng 20 oras para maging regular pioneer ka? Dati ka bang payunir pero huminto dahil sa ilang problema? Puwede ka na bang bumalik sa pagpapayunir sa Setyembre? Hinihimok namin ang lahat na pag-isipan itong mabuti at, kung posible, ‘bilhin’ ang panahon sa ibang gawain at gamitin ito sa pagpapayunir sa 2010 taon ng paglilingkod!—Efe. 5:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share