Mga Patalastas
◼ Alok sa Oktubre: Bantayan at Gumising! Nobyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Maaari na ngayong ipadala sa tanggapang pansangay ang mga order para sa 2010 Taunang Aklat. Dapat punan ng mga literature coordinator at ng mga lingkod sa literatura ang ipinadalang Yearbook Order Blank at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang di-lalampas sa Nobyembre 15, 2009.
◼ Maaaring ilipat sa ibang linggo ang mga bahagi sa Pulong sa Paglilingkod na kinakailangang talakayin kung matatapat ang mga ito sa linggo ng “Patuloy na Magbantay!” na Pandistritong Kombensiyon. Sa huling Pulong sa Paglilingkod bago ang inyong kombensiyon, dapat repasuhin ang mga payo at paalaala na kapit sa inyong lugar. Pagkaraan ng isa o dalawang buwan matapos ang kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga punto sa kombensiyon.
◼ Ang taunang Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo ay hindi na ilalabas bilang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Sa halip, ipadadala ito sa bawat kongregasyon, at dapat ipaskil ang isang kopya nito sa information board ng Kingdom Hall. Ang isa pang kopya ay itatabi ng tagapangasiwa ng paaralan para sa paggawa niya ng mga atas.
◼ Simula sa linggo ng Marso 1, 2010, gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya ang aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita.”