Mga Patalastas
◼ Alok sa Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Marso: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
◼ Kung alam mong wala ka sa kongregasyon sa katapusan ng Disyembre dahil dadalo ka sa isang pandistritong kombensiyon, tiyaking maibibigay mo sa inyong tagapangasiwa ng grupo o sa inyong kalihim ang iyong ulat ng paglilingkod sa larangan bago ka umalis. O, kung malayu-layo ang pinuntahan mo, maaari mong itawag o i-text ang iyong ulat, sa gayo’y nagiging ‘tapat ka sa pinakakaunti.’—Luc. 16:10.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.
◼ 2010 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2010 ay hinalaw sa 1 Corinto 13:7, 8: ‘Binabata ng pag-ibig ang lahat ng bagay. Hindi ito kailanman nabibigo.’ Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall pasimula sa Enero 1, 2010.