Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 30, 2010. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 5 hanggang Agosto 30, 2010.
1. Paano natin lalong mapapahalagahan ang personalidad ni Jehova kung bubulay-bulayin natin ang panalangin ni Solomon nang pasinayaan ang templo? (1 Hari 8:22-53) [w05 7/1 p. 30 par. 3; it-2-E p. 989 par. 4]
2. Bakit masasabing sa kabila ng maraming pagkakamali ni David, siya ay lumakad sa harap ni Jehova “taglay ang katapatan ng puso”? (1 Hari 9:4) [w97 5/1 p. 5 par. 1-2]
3. Bakit sinabi ng reyna ng Sheba kay Solomon: “Maligaya ang mga lingkod mong ito na palaging tumatayo sa harap mo, na nakikinig sa iyong karunungan!”? (1 Hari 10:4-8) [w99 11/1 p. 20 par. 5-7]
4. Ano ang matututuhan natin mula sa pag-uutos ni Jehova na bigyan ng disenteng libing si Abias? (1 Hari 14:13) [cl p. 244 par. 11]
5. Ano ang kapansin-pansin sa panahon ng unang pagdalaw ni Elias kay Ahab? (1 Hari 17:1) [w08 4/1 p. 19, kahon]
6. Ano ang ibig sabihin ni Elias sa pananalitang “iika-ika sa dalawang magkaibang opinyon”? (1 Hari 18:21) [w08 1/1 p. 19 par. 3-4]
7. Gaya ng makikita sa karanasan ni Elias, bakit ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan para sa kaniyang mga lingkod? (1 Hari 19:1-12) [cl p. 42-43 par. 15-16]
8. Bakit tumanggi si Nabot na ipagbili ang kaniyang ubasan kay Ahab, at ano ang matututuhan natin dito? (1 Hari 21:3) [w97 8/1 p. 13 par. 18-20]
9. Sa anong paraan “nagpakasakit” ang babae sa Sunem alang-alang kay Eliseo? (2 Hari 4:13) [w97 10/1 p. 30 par. 6-8]
10. Bakit hindi tinanggap ni Eliseo ang kaloob ni Naaman? (2 Hari 5:15, 16) [w05 8/1 p. 9 par. 2]