Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
Ang kabuuang bilang ng mamamahayag na nag-ulat noong Abril ay 170,037, ang ika-28 sa sunud-sunod nating peak! May bagong peak din sa bilang ng mga pag-aaral sa Bibliya sa buong bansa—181,247. Dahil sa pantanging pamamahagi ng Abril 1 na Bantayan, nakapagpasakamay tayo ng 1,141,216 na magasin—ang pinakamataas kailanman! Talagang pinagpapala ni Jehova ang nagkakaisang pagsisikap ng kaniyang bayan.