Mga Patalastas
◼ Alok sa Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes ang may-bahay, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Espesyal na pamamahagi ng brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may maliit na anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ Ipinaaalaala sa mga elder na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan, Abril 15, 1991, pahina 21-23, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na baka gusto nang makabalik.
◼ Isang espesyal na handbill para sa “Manatiling Malapít kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon ang ipadadala sa mga kongregasyon. Ang pamamahagi nito ay maaaring gawin sa inyong teritoryo tatlong linggo bago ang inyong kombensiyon. Tiyaking ilagay sa handbill ang lugar at petsa ng kombensiyon bago ito ipamahagi.
◼ Makukuhang Bagong Compact Disc:
Umawit kay Jehova—Inawit ng Koro, Disc 1 (pag-awit ng koro sa 17 sa mga bagong awitin)—Tagalog