Mga Patalastas
◼ Alok sa Oktubre: Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes ang may-bahay, gamitin ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Espesyal na pamamahagi ng brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may maliit na anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kung mayroon na nito ang may-bahay, puwedeng ialok ang anumang aklat na may 192 pahina na inilathala bago 1995.
◼ Maaari nang ipadala sa tanggapang pansangay ang mga order para sa 2011 Taunang Aklat. Isang Yearbook Order Blank ang ipadadala para dito. Dapat itong punan ng literature coordinator at ng lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2010.
◼ Maaaring i-adjust ang mga nakaiskedyul na bahagi sa pulong bilang paghahanda sa “Manatiling Malapít kay Jehova!” na Pandistritong Kombensiyon. Sa huling Pulong sa Paglilingkod bago ang linggo ng kombensiyon, rerepasuhin ang mga tagubilin at paalaala na kapit sa inyong kongregasyon. Isa o dalawang buwan pagkatapos ng kombensiyon, maaaring gamitin ang bahagi ng lokal na pangangailangan upang repasuhin ang mga punto mula sa kombensiyon.