Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/11 p. 1
  • Lubhang Kasiya-siyang Gawain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lubhang Kasiya-siyang Gawain
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Makakatulong Ka Ba sa Paggawa ng Alagad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Magalak sa Paggawa ng Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Bahagi 1—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
km 8/11 p. 1

Lubhang Kasiya-siyang Gawain

1. Anong espirituwal na pagpapagaling ang nangyayari ngayon?

1 Tuwang-tuwa ang mga nakasaksi sa pisikal na pagpapagaling noong unang siglo. (Luc. 5:24-26) Nagsasaya rin tayo ngayon sa espirituwal na pagpapagaling. (Apoc. 22:1, 2, 17) Kapana-panabik na mabasa ang mga karanasan kung saan binago ng Salita ni Jehova at ng banal na espiritu ang buhay ng mga indibiduwal! Pero lalo pang kasiya-siya ang pakikibahagi sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng progresibong pag-aaral sa Bibliya.

2. Anong kagalakan ang mararanasan natin habang nagtuturo tayo ng katotohanan sa iba?

2 Ano ang pangalan ng Diyos? Bakit niya pinahihintulutan ang pagdurusa? Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos sa sangkatauhan? Nasisiyahan tayo na sagutin ang mga tanong na iyan at makita ang kagalakan ng estudyante sa katotohanang natututuhan niya. (Kaw. 15:23; Luc. 24:32) Habang sumusulong ang estudyante, maaaring ginagamit na niya ang pangalan ni Jehova, binabago na niya ang kaniyang pananamit at pag-aayos, itinitigil na ang mga bisyo at masasamang gawain, at nagpapatotoo na sa iba. Kung susulong siya tungo sa pag-aalay at bautismo, magiging kapatid natin siya at kamanggagawa. Ang bawat positibong hakbang na ito ay dahilan para magsaya.—1 Tes. 2:19, 20.

3. Anong praktikal na mga hakbang ang magagawa natin para makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya?

3 Maaari Ka Bang Makibahagi? Kung gusto mong makibahagi sa lubhang kasiya-siyang gawaing ito, humingi ng tulong kay Jehova na magkapagdaos ng pag-aaral sa Bibliya, at pagkatapos ay kumilos ayon sa iyong mga panalangin. (1 Juan 5:14) Mangaral kung saan at kailan may mga tao. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa bawat angkop na pagkakataon. (Ecles. 11:6) Kapag nakasumpong ng interes at nakapagtanim ng binhi ng katotohanan, bumalik para diligin ito.—1 Cor. 3:6-9.

4. Bakit dapat tayong mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya nang may pagkaapurahan?

4 Marami pa rin ang nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Sino ang magtuturo sa kanila ng Bibliya para masapatan ang kanilang espirituwal na pangangailangan? (Mat. 5:3, 6) Kusang-loob tayong tumulong sa gawaing pangangaral at paggawa ng alagad bago magwakas ang pag-aani.—Isa. 6:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share