Mga Patalastas
◼ Alok sa Agosto: Alinman sa mga brosyur. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Nobyembre: Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? o anumang brosyur na nasa stock ng kongregasyon.
◼ Simula sa Setyembre, ang pahayag pangmadla ng mga tagapangasiwa ng sirkito kapag dumadalaw sa mga kongregasyon ay “Makiisa sa Maligayang Bayan ng Diyos.”
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10). Tumpak at maayos na pupunan ng kalihim ng kongregasyon ang form na ito, na susuriin naman ng komite sa paglilingkod. Ang orihinal na kopya ng form ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay sa Setyembre 6.
◼ Taunang Order: Lahat ng 2012 Taunang Aklat, Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2012, kalendaryo ng 2012, mga tomo ng 2011 Bantayan at Gumising!, at 2011 na Watchtower Library ay dapat i-request ng mga mamamahayag. Ipadadala ng Kalihim ang Literature Request Form (S-14) sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas ng Agosto 1. Ang buklet na Pagsusuri ay makukuha sa walong wika, samantalang ang Taunang Aklat naman ay makukuha lamang sa wikang Cebuano, Ingles, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog. Ang Watchtower Library ay sa Ingles at Tagalog lamang, at ang mga Tomo at kalendaryo ay sa Ingles lamang.