Mga Patalastas
◼ Alok sa Nobyembre: Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? o alinmang brosyur na nasa stock ng kongregasyon. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Kung may maliliit na anak ang may-bahay, ialok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro o Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Enero: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sikaping makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may aklat na ang may-bahay o ayaw niyang tumanggap ng pag-aaral sa Bibliya, maaaring ialok ang lumang magasin o anumang brosyur na kukuha ng kaniyang interes. Pebrero: Ialok ang alinman sa: Is There a Creator Who Cares About You?, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong pandistritong kombensiyon ay maaaring baguhin para marepaso ang mga payo at paalaala tungkol sa pagdalo sa kombensiyon. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga puntong nakatulong sa mga mamamahayag sa ministeryo.
◼ Gaya ng tagubilin sa insert ng Setyembre ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pakisuyong dalhin sa kombensiyon ang anumang natirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo o para maibigay sa attendant. Tiyaking mag-ingat ng isang kopya, yamang gagamitin ninyo ito sa pagsubaybay sa huling pahayag sa Linggo.